Mga ilang araw na ang nakakaraan nang kami ng mga kaopisina ko ay nagpunta ng National Bookstore upang bumili ng borloloy ng regalo para sa mga kliyente namin.
Sale doon kung kaya't napalingon-lingon ako at baka makakita ako ng libro na maaari kong mabili. At nabaling ng pansin ko ang librong ito ni Lualhati Bautista, ang "Bata, bata ... pa'no ka ginawa?"
Sa halagang 88 pesos less 20% ay ayos na ayos sa aking numinipis na wallet. Nang nakita ng mga kasama ko ang librong hawak-hawak ko ay natuwa sila.
"Uy! Ginawan namin ng book report yan!"
"May pelikula rin yan! Ginawan naman namin ng movie report!"
Nagtataka ako. Alam ko na isina-pelikula ang librong ito pero di ko alam na sikat rin pala ito.
"Eh kasi sir, wala na kayo sa school noon lumabas 'yang libro."
Ayos. Binisto pa ang edad ko. Teka, 1983 ito nilathala ah. Matagal na akong tapos sa Nancy Drew / Hardy Boys phase. Hmmm... bakit kaya di ko ito nabasa noon?
At ang aking feedback sa lathalang ito? Da best!
Nakakatuwa ang pagkakasulat! May konting murahan portion dito at doon, pero overall ay solid ang kwento. Tungkol ito sa isang pamilya na di ordinaryo ang katayuan, sapagka't ang dalawang magkapatid ay magka-iba ng ama. Nagiging komplikado ang sitwasyon sapagka't gustong maging totoo ang ina nilang si Lea sa kanila, kaya't namulat ang mga bata sa katotohanang iba sila.
Bagama't medyo taboo pa ang paksang ito sapagka't conservative ang Pinoy (o maling pag-aakala na ito?) ay akmang-akma ang tema sa panahong ito. Ang komplikasyon ng pag-adjust ng schedule sa pamilya at sa trabaho, mga taong hindi mo lahat mapaliligaya, mga self-righteous, may masayang araw, at meron rin namang hindi.
Nasa ika-dalawampung kabanata na ako. Malamang ay matapos ko na ito pagdating ng weekend. Kung di nyo pa nababasa ito ay bumili na agad ng kopya! Awardee ito ng Palanca Memorial Awards for Literature!
nabasa ko nga rin to watson at maganda ng pagkasulat. sa totoo lang, ang dami nating magagaling na local writers. sana mabigyan din sila ng break.
ReplyDeletenicanor,
ReplyDeletepahirapan ata ang iyong naisulat at sa wikang pilipino pa kung saan ako ay madalas nakakakuha ng mababang marka sa panahong ako'y nagaaral pa. ngunit, sublalit, datapwat. susubukan ko rin pong makapagsagot sa tagalog din.
kung maari po ay isalin ninyo ang aklat sa wikang Ingles upang maintindihan ng mga katulad ko na sadyang di dalubhasa sa Tagalog. salamat po. :)
hmmmm.... could put that into my list.
ReplyDeletei saw the movie and totally enjoyed it. pero di ako gumawa ng report, gumawa lang ako ng bata. pero di nabuo! hehehe!
ayy nabasa ko rin yan... tsaka yung dekada 70 .. magaling talga si mareng lualhati sa pagsusulat. napanood ko rin yung movie nya si ate vi at kuya albert martinez .. dyan pa nga sumikat yung line na...
ReplyDelete"akala mo lang wala pero meron! meron! meron! carlo aquino
wihihih
Uy you just read Lualhati Bautista's novel tagalog na ang blog mo.
ReplyDeleteHi there! thanks for the tip, i might buy this when i get to manila next month.
ReplyDeletepsstt..i enjoyed reading your japan video topics. :)
Hello Abaniko! Ngayon ko nga lang nalaman na sikat ang librong ito e.
ReplyDeleteHi Cherry! May mga mura yung libro e, so yung english version nya baka di maganda pag binasa. :-)
Owen! Sigurado kang walang magagalit sa sinulat mo ha :-)
Airwind! Naalala ko tuloy yung Tanging Ina. Andaming lines na hiniram nila sa ibang movies.
Ayos ba Amie? Paminsan-minsan lang.
Ohayoo Sachiko! Do you also have that in Japan? :-)
By the way, I'd like to thank Chu for the photo. My phone's memory card is corrupted and has been sent for repairs.
ReplyDeletehi watson, hanep...linggo ng wika ba ngayon? pahiram naman ng book..
ReplyDeleteuy ser book report namin yan! nakalimutan ko na nga halos ang kabuuan nyan...hehehe
ReplyDeleteyan ang paborito kong librong pinoy. ang galin kasi ni lualhati bautista. nabasa mo na ba ang dekada 70?
ReplyDeleteginagawan nga po namin ito ng book report ngaun. mejo madrama ung story pero maganda ung values na makukuha.. ang dami ding twists ng story na nakakakuha talaga ng atensyon ng mambabasa! :)
ReplyDeleteahai. nabasa ko nadin yan. naku. naku. angas. :) much greater than the movie i've seen.
ReplyDeleteplzzz penge nmn ako ng buod ng librong ito!! kung cno ung mabait dyan oh nabsa ko na kya lng hndi ko p nttpos kung cnu mn ang mgbbgy i luv u n tlaga criszia
ReplyDeletemeron ba kayong buod nyan?? penge nman pls.... klangan ko lng tlaga.. plssss... ;( baka lang kc meron kau..
ReplyDeletekailangan din namin ng buod nian,,,,,
ReplyDeleteplzzzzzzz
now na plzzz!!!!
ty
hi po anu po ba ang tema ng bata bata paano ka ginawa? thnx in advance
ReplyDelete